Marunong ka bang magpacute?
Message: Pwedeng magpaturo? Feeling ko kasi nang nagsabog ang Maykapal ng kagalingan sa pagpapahumaling ng mga kalalakihan, parang nagtago ako sa kailaliman ng isang liblib na kweba at wala akong nakuha ni katiting man lang. Ika nga, being too charming was never one of my faults. Ang opinyon ng ibang tao sa akin sa unang tingin, kung hindi repulsively abrasive, eh, coldly indifferent naman. Alam ko yun, kasi tinanong ko ang mga kaibigan ko kung ano ang first impression nila sa akin. Meron rin namang iba na medyo tactful at sinasabi na I "look comfortable being alone", self-sufficient daw kumbaga kaya walang nagtatangkang lumapit kahit sino. Eh, sa mga crushes ko, kanyo? Paano ako umasta? Parang male-male na may speech defect at dyslexia o di naman kaya parang di-makabasag pinggan na noveciada sa kumbento - pormal na pormal at hindi nagsasalita o kung hindi naman parang isang sobrang dedma na weirdo. Sitcom ang crush life ko. Slapstick na may pagka-spoof na may pagka-horror. Abnormal ba ako? Bat di ako marunong magpa-cute? Ilang beses nang nangyari na andyan na sya sa tabi ko. O kaya sa harap ko. Nakangiti sya. Alam nyo ba ang pakiramdam na parang disconnected ang logic mo sa motor skills mo? Ganon. Hindi man lang ako makatango. Andali lang magsabi "Uy, musta?" Aargh. Di lang to katorpehan. Katangahan na talaga. May mga pagkakataon naman, ewan ko lang talaga kung bakit, na hindi ko talaga kayang malapit siya. Parang hindi ako mapalagay kaya ako ang lumalayo. Group meeting namin. Siyempre andun sya. Ewan ko lang kung saan nagbabakasyon ang diwa at dila ko kayat daig pa ako ng ibang extra sa mga telenovela. Buti pa sila, may mga one-liner, ako talaga, wala. Anyway, napansin yata ng mga kasamahan ko na masama pakiramdam ko. "Okay ka lang?", tanong nila. Nakatingin si lalaking pinagpalaan sa akin. Sa akin. Gusto niya ring malaman kung okay lang ako. Ako. At ano ang ginawa ko? Bilis, ano sa tingin nyo? Tumayo ako bigla sabay sabi nang, "Bili muna ako paracetamol." Tapos, lumakad ng mabilis palabas. Sa totoo lang, sumakit nga ulo ko. Sa sarili kong ka-weirdo-han. Ha-haay. Hindi naman palaging dont-know-what-to-do/say-whenever-you-are-near ang eksena ko. Nakakausap ko naman. Minsan, talaga lang nabobobo ako. My IQ shoots down a few points pag andyan na object of my affliction, uhm, affection pala. Magkaharap kami sa lamesa at nagke-kwentuhan. Nabanggit sa usapan namin na Kapampangan ang roots ko. Sabi niya, "So, its true pala na girls from Pampanga are pretty." Reaction ko? Wala. Tameme ako for what seemed to be an eternity of uncomfortable, tense silence. Sabay tingin sa sahig. Ano ba naman inaasahan kong makita doon sa sahig? Cue cards? Teleprompter? Bilis, ano sa tingin nyo? Dahil hanggang ngayon di ko talaga alam kung bakit. Iniba ko na lang ang usapan. Siguro nga wala sa personalidad ko ang mag-react sa mga klaseng remark na ganon with a "thank you". Pero, it would have been characteristic of me to have said, "Uy, ah. Wag ka naman gaanong magpa-obvious na nagkakagusto ka na sa akin." Di lang common sense ang nawawala sa akin. Pati sense of humor. Normally, I am a fast thinker; even quick-witted, sometimes. Kumbaga, parang DSL, mabilis ang response time. Pag crushie ko na ang kaharap ko, nagiging 28.8 kbps na dial-up ako. Oras ang lumilipas bago ko nalalaman kung ano ang pinaka-akmang sabihin. Saklap. May kaibigan ako. Kung ako ay hindi pa nakakapasa ng pre-school sa pagpapa-cute, yung kaibigan ko, may ph.d. na. Nakalimutan ko kung nakailang nobyo na sya, sa sobrang dami. Ako, ni isa, hindi pa nagkakaroon. Sabi niya, you have to give a motive daw. Yung mga tipong, pasulyap-sulyap daw o kaya pangiti-ngiti sa taong gusto mo. She tried to tell me that flirting is something every girl should master. Hindi ba pwedeng ibang paraan na lang? Wala akong talent sa beautiful eyes kahit noong bata pa ako, eh. Hindi yan isa sa mga naging tricks ko noong toddler pa ako. And I dont think reciting Ten Little Indians count as a flirtation skill. Pero ang pagpapa-cute is just a way to get to know the other person better, di ba? Sabi ko sa sarili ko, baka pwedeng mag-tong-its na lang kami. Ako pa bibili ng isang malaking supot ng mani. Mas magkakakilala kami sa ganoong paraan. As they say, you learn more about a person in five minutes of play than in an hour of talk. O, sige, baka mas gusto niya ng Uno, ok rin lang sa akin. Eh, pano nyan? Kailangan ko pa rin syang yayain mag-hang out para maglaro. Based on my track record, malamang, makakaubos ako ng isang supot ng mani mag-isa nang di oras. Pero sabi nga ng iba, kung hindi ngayon, kailan pa? It's better to have loved/liked and lost than never to have loved/liked at all. Seize the day. No guts, no glory. You only live once. If I can change the world, I would be the sunlight in your universe. At kung anu-ano pa. Matawa rin kaya sya? Wag lang syang himatayin sa gulat, ayos na.